Ibangon ang Bayan

Ilang dekada na ang lumipas. Matagal nang giniginaw sa kanyang mausoleo si Makoy. Nakailang Edsa na ang ating nilahukan. Kayrami na’ng mga kasama ang binawian ng buhay, mula sa pagpapahirap ng militar at gayun din sa mga balang nagmula rin sa mismong kasama na naglilinis ng hanay.

Ang iba, nailigtas man ang sariling buhay, hindi naman nailigtas ang sariling pag-asa ng pagbabago at binawian na rin ng kung anumang natitirang pang lakas na ipagpatuloy pa ang laban.

Iba’t ibang larangan ng pakikibaka, tungo sa pag-unlad ng buhay.. ng bayan… tunggalian. Saan mang sulok ng mundo, anumang oras, ano mang paraan, makakayanan pa rin ng bayan.

Sa karimlan ng kawalang pag-asa tungo sa hinahangad na pagbabago, tayo ay walang karapatan na manatiling pipi at bingi sa mga pangyayari. Kahit pa animoy walang kapararakan at walang kinahihinatnan ang gawain, kailangan nating manatili sa ating paninindigan.

Magkaiba man ang ating mga pinagmulan, mga katayuan s buhay, mga paniniwala, mga angking kulay, tayo ay iisang lahi, iisang bayan. At marahil, iisa ang ating dalangin, ang makitang maayos ang ating inangbayan. Hindi natin kailangang hayaan na maghari ang mga mapag-imbot sa lipunan.

Layunin ng munting blog na ito na magkaroon ng malayang talakayan ng mga ideya, pag-aaral, pag-aanalisa, pagpuna, paglalatag ng bagong mga alternatibo upang maisulong ang mga bagay na makakatulong sa pagpapa-unlad ng bayan. Hindi lamang sa hanay ng pulitika kundi anumang isyu na may kinalaman sa bayan.

Isang magiging malaking paksa dito ang mga naghaharing sistema ng tradisyunal na pulitika at ang darating na halalan sa 2010. Bagamat malayo pa ang naturang halalan, pumoporma na at kanya-kanya nang papogi ang iba’t ibang mga pulitiko para dito. Kung kaya’t marapat lamang na tayo bilang mga mamamayan na syang pipili sa kanila ay mag-umpisa na rin silang hubaran ng maskara at mailantad ang kanilang “inner trapo”.

bannerflag.jpg

Kung kaya kabayan, ngayong kaarawan ng bayani ng mahihirap, sa ating munting pamamaraan, itutuloy natin ang laban, sama-sama nating Ibangon ang Bayan.

About these ads

~ by BURAOT on November 30, 2007.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: