Kailan nga ba Ang Araw ng Kalayaan?

Kung ang ibang mga rebolusyonaryo ay napadpad sa gubat, bunsod ng panunugis ng mga iba’t ibang pwersa, kasama na rin ang internal na kadahilanan ng personal na pagnanais, ako ngayon ay napadako sa bago kong pinagkukutaan bunga ng kadahilanang walang kinalaman sa bayan o rebolusyon, kundi ng  rasong sa akin mismo ay parang walang punto o lohika. Ako ay tinangay ng isang malakas na hangin.

Ang isang bagong kasama sa hanapbuhay na isang puti ay nagtanong sa akin, hinggil sa aking pagiging matatas na mag-Ingles at apelyidong Espanyol. Naturalmente ay mauuwi ang usapan sa isang short course sa Philippine History. Kung saan ilang dantaon na nagpasasa ang mga Kastila sa yaman ng Pilipinas. At sa kadahilanang kung gaano ang itinagal ng mga Pilipino sa pamamalakad ng mga Kastila, ganito rin ang tindi ng paglamon ng kulturang Kastila sa ating lokal na kagawian.

At matapos nga noon ay mga Amerikano naman. Sa puntong ito nya nasabi na tayo ay pinalaya ng mga puti mula sa mga mapupusyaw ng mga Kastilaloy sa tinaguriang labanan sa Manila Bay. Kung saan mabilis ko namang sinabi ang aking nalalaman bilang isang Pilipino ang kabalintunaan ng pangyayaring yun. At sya bilang isang Amerikanong puti ay natural namang di alam ang totoo. Na ang Pilipinas kong mahal ay binili ng mga Amerikano mula sa mga Kastila. At bago pa kuno maglaban sa Manila Bay, ay nagkasundo na una pa ang magkalabang pwersa sa kung paano at magkano mapapasa-Amerikano ang bayan.

Tinangap naman nya ito sabay tanong, “so when really is your independence day?”Kailan nga ba?

Sa puntong ito ako natahimik.

Kailan nga ba? Noon bang nagpapalabas ang mga Amerikano at Kastila ng umano’y “labanan” sa Manila Bay habang naghihimagsikan na sa Maynila? Ito ba ay yung araw na itinaas ni Aginaldo ang bandila sa Kawit? Na kung saan ang araw na ito ang ating pormal na ipinagdiriwang? Marahil alam nating lahat na matapos ang paglaladlad ng watawat na ito ay kasunod ang patuloy na panunugis ng mga dayuhang Amerikano sa mga umano’y mga “rebeldeng” Pilipino. Katunayan na sa pananaw ng mga puti, ang Pilipinas ay sakop na nito bago pa nagladlad ng bandila ang mga katipunero.

Katunayan na kahit pa naipakita natin sa mundo na tayo ay “malaya” na mula sa mga Kastila, di pa rin ito ganap. Dahil ilang milya lamang mula sa Kawit, nandon sa Maynila ang mga bagong uri ng mga mananakop. Matapos mahuli si Aguinaldo at pormal na ipinanumpa sa ilalim ng watawat ng Amerika, dumating ang iba pa. Hanggang pormal na gawing Commonwealth property ang Pilipinas. At binago nila ang Araw ng Kalayaan, ginawang July 4, alinsunod sa kanila mismong Independence Day.

Mula sa ibayo, dumating ang mga sakang. Kung saan karamihan ng mga sundalong Hapon, maliban sa mga opisyales at ilang piling indibidwal, ay mga galing kulungan, kung kaya natural ang kalupitan at kasakiman sa mga babae, maging sa mga bakla at mga batang lalaki.

Muli, makalipas ang ilang taon, “pinalaya” tayong muli ng mga Amerikano. Ilang dekada din tayong naging Kayumanggging Amerikano hanggang dumating si Makoy. At kung anumang kalayaan meron tayo, ito ay unti tuning nawala.

Dumating ang Unang Edsa at tayo ay muling naging “malaya”. Pero iniisip ko pa rin, nakailang Edsa na, pero pilit pa rin nating pinapalaya ang ating mga sarili. Malaya nga ba tayo? Kung may mga aktibistang kusa na lamang nawawala, may mga manunulat na bigla na lamang tumitimbuwang, may mga komunidad walang kinalaman na naiipit sa mga labanan, at palaging may banta sa Katimuran, malaya nga ba tayo?

“So, when is your independence day?” tanong ulit sa akin ng kasama kong puti.

“I don’t know man, maybe soon.”

About these ads

~ by BURAOT on June 14, 2008.

16 Responses to “Kailan nga ba Ang Araw ng Kalayaan?”

  1. ano po po ang kahulugan ng bayan ko kasi po takdang aralin po namin bukas na po ipapasa na

  2. meron po ba kaung mga alam na hidden histories??

    kailangan po kasi namin sa skul pls po!!

  3. parang ala history detective yan ha? philippine history ba or world history?

  4. paano pinagdiriwang ang independence day?

  5. araw nga kalyaan ay june 12,1898

  6. kailan ba pinalaya ng amerikano ang pilipinas?

  7. paano nila ito ginawa

  8. paano ba nakipagkaibigan ang mga espanol sa mga pilipino

  9. significance of july and june 12

  10. ang haba naman po! pwede ko po bang malaman ung ibig sabhin ng araw ng kalayaan?!!!!!

  11. ano po ba tlga ang ibig sabihin ng araw ng lalayaan

  12. Paano naging malaya ang Pilipinas

  13. kailan ang unang independence day

  14. kailan po ginawa ang pilipinas kong mahal

  15. kailan tinatag

  16. june anu po bah tinatag

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: