Patungkol Dito

Ang pag-aanalisa sa problemang kinakaharap ng bayan ay hindi simpleng bagay. Kung kaya’t ang solusyon dito ay naturalmenteng masalimuot din. Ang may akda ay walang ipinapangako o ibinibigay na kongkretong solusyon. Ang mababasa mo rito ay ang kanyang mga opinyon at pagsusumikap na maghanap ng mga alternatibong paraan at solusyon hinggil sa problemang kinakaharap ng bansa.

Habang maraming mga bagay ang sama-samang pumipigil sa patuloy na pag-unlad ng bayan, ang pulitika sa bansa na pinamamayanihan ng mga bulok na trapo ang isa sa malaking problema na kagyat na dapat magawan ng paraan. Ang munting blog na ito ay nilikha ng may-akda upang tuluyan na silang malipol sa sanlibutan, kundi man sa inangbayan. Ngunit dapat nating tanggapin na maubos man ang trapo sa mundo, hindi pa rin tuluyang magiging malaya at pantay-pantay ang lipunan.


Mag-iwan ng Tugon