Eleksyon 2010

Malayo pa ang eleksyon, kanya-kanya na ang mga batikan. Batikan sa pamumulitika, batikan at beterano na sa larangan ng halalan.

Ang pagboto ay simbolo ng ating pagiging isang demokratikong bansa. Ito rin ay isang paraan upang maipadama natin ang ating hinaing sa mga kinauukulan, upang mailuklok ang sa ating pananaw ay makakapag-silbi ng walang pag-iimbot sa bayan.

Subalit bunsod ng malawakang mga bilihan ng boto, dagdag-bawas, at dayaan mula sa pinakamaliit na pwesto sa pamahalaan hanggang sa sentro ng kapangyarihan, alam natin na ang katotohanan ay wala rin itong kahihinatnan. Pare-pareho lang ang mga iyan. Kung hindi magnanakaw sa bayan, habol lang ay kapangyarihan.

Sa kabila ng kawalang pag-asa sa bulok na sistema ng halalan sa bansa at sa mga nagpapanggap na mga lider ng bayan, walang ibang pamamaraang mapayapa at ligal kundi isulong ang mga tunay na lider at indibidwal na may progresibong pananaw. Sila na walang personal na interes kundi ang isulong ang bayan para sa tunay na pagbabago. Sila na ayon sa karanasan ay kadamay na ng mga maralita, mga magsasaka, mga manggagawa, at ng mga ordinaryong mamamayan mula’t mula pa.

Ang pakikibaka para sa tunay na pagbabago ay hindi nagsisimula at nagtatapos sa halalan. Ito ay mahabang proseso ng pag-aaral, pag-aanalisa at tamang pagkilos. Ang halalan ay isa lamang sa maraming pagkilos na kailangang lahukan ng bayan.

Upang maibsan ang pangit na mukha ng halalan sa Pilipinas, na ibinunga ng matagal na kawalan ng isang maayos na sistemang elektoral, at direktang ipinamukha sa taong bayan ng sabwatan ng mga tiwaling opisyal ng Comelec at mga pulitiko, kagyat na kailangan ng mga bagong batas upang ang mga ito ay maisaayos.

Sa pamamagitan ng blog na ito, pagtutulong-tulungan nating busisiin at ibulgar ang mga nakatagong trapo sa mga pulitikong pumupustura bilang susunod na lider ng bansa. Upang nang sa gayon, sa darating na halalan sa 2010, tayo ay makakapili ng syang karapat-dapat.


61 Responses to “Eleksyon 2010”

  1. oo nga dapat na natin iyung gawin bakit hindi natin panatiliin ang kapayapaan ng pilipinas hindi ba cla nakukunsinya akala ba nila walang naaapiktuhan baka hindi sino??? ide tayo tayo kya knock!knock
    makunsunsiya ka naman….

  2. Corect ka dyan tama magtulungan muna tayoo..

  3. Sawa narin kami sa mga pamumulitika ng mga senador puro sila papogi.. dapt tulungan nila ang bansa sa mga crisis ngayon

  4. Puro publicity lang ang alam nilang gawin. ako ay may intensyong tumakbong konsehal ng bayang sa san jose del monte, pero di dahil sa kapangyarihan at pera at impluwensya. nung ipanganak ako nkita ko na ganun ng ang bayang namen nyong tumanda nko naging city na pero ganun padin at anng mga nanunungkulan diko alam kung anu pa talaga ginagawa nila, tila mas nauuna ang personal na interest keysa sa pampublikong interes na dapat maibigay sa mga tao.

  5. PANAHON NG KABATAAN SA ELEKSYON 2010. SUPORTAHAN NATIN ANG BAWAT KABATAAN NA KAKANDIDATO SA HALALAN.

  6. sa darating nA 2010 eleksyon, ‘wag magpatukso sa mga ipinakikita ng mga pulitiko sa TV,radyo, at pahayagan sapagkat lahat ng ito ay pakitang tao lamang. tingnan at pag-aralan niyo ang dating gawain ng mga kandidato at alamin ang mga nagawa at naitulong upang mapaunlad ang ating estado. kung may makitang dayaan, wag matakot, isumbong sa otoridad para maparusahan. kung may magbigay ng pera at pagkain, tanggapin at magpasalamat, PERO silay wag butuhin sapagkat silay nandadaya. butuhin pa rin ninyo kung sino sa tingin ninyo ang tapat at dapat na manilbihan sa bayan. kung nandadaya ang mga kandidato sa inyo, maging madaya rin kayo sa kanila!!!

  7. tama ka sa sinabi mo na hindi nag sisimula at nagtatapos sa eleksyon ang hinahanap nating pag babago.

    Habang nasa seminaryo ako, di ko mapigil ang pakikibaka sa aking puso. Nag hahanda ako para sa pag tulong sa mga naapi, nag hihirap ng husto.

    Sana, sa pag tulong-tulong natin, isama natin si Kristo.

    Salamat sa blog.

  8. Sang-ayon ako sa inyong pananaw..
    Nararapat na taung kumilos spagkat tau rin lang ang makikinabang dito.. sana’y magsilbing tanda na ang mga nakaraang mga opisyales.. ang nakaraang eleksiyon.. madala na sana tau sa mga dito…

  9. lahat ng tumatakbo ngayon nasa posisyon,wagkayo padaya,kelangan nanatin ang talagang totohanang nagmamahal sa Bayan at tunay na may takot sa Diyos,do not put your trust in man lets pray God will intervene this 2010 eleksyon! God bless DIYOS AT BAYAN!

  10. dapat tayi mag tulungan ng ating pananaw ay maitama lahat tayo ay my srling dignidad.dapat hindi tau mag pa epekto s mga suluranin.kng mamimili tau ng iboboto dapat yng kyang protektahan at kyang paninidigan ang mga pangako……

  11. tama.. kailangan talaga nating magtulungan sa panahon ngayon..

  12. kailangan nating pumili ng maayos na mamumuno sa ating bansa. ..huwag tayong padadaya sa mga matatamis nilang salita, sa mga pangako nila na kahit silay nasa posisyon na ay wala namang nagawa.

  13. kailangan na maging matalino ang mga boboto sa ihahalal nila sa pagkapangulo.

  14. maging aware din dapat ang mga kabataan ngayon sa pagboto, Dahil higit na mas malaki ang ambag nila sa pagtulong ng magandang halalan sa 2010 eksyon. kya dapat lahat ng kabataan ay bumoto.

  15. wag padsala kay teodoro huwag tayo bomuto sa kasapi ng administrasyong arroyo dahil sila lahat ay manloloko

  16. ang kabataan ang dapat kumilos tungo sa pagbabago. kailangan nating magkaisa at pairalin ang pagiging pilipino. huwag tayong padadala sa perang may bahid ng kasalanan, kailangan nating isipin ang ating sarili at ang bayan.

  17. VOTE !!!
    NoyNoy Aquino for President
    Zaldy Ampatuan for Vice-President

    THE MASSACRE PARTY (MP)

    MEETING DE AVNCE WILL BE HELD AT MAGUINDANAO, MENDIOLA AND HACIENDA LUISITA.

    ALL ARE INVITED ESPECIALLY THE FARMERS AND JOURNALIST.

    SEE U ALL THERE AND DIE….

  18. WALANG MANGYAYARI DYAN SA MAGUINDANAO MASSACRE.
    SI NOYNOY AQUINO NGA NAGING SENADOR PA EH…KING OF THE MASSACRE YAN. MENDIOLA AT HACIENDA LUISITA, NGAYON TATAKBO PANG PRESIDENTE. GAGO NA LANG ANG MGA PILIPINO KAPAG BINOTO PA YAN. TSKA NGAYON TINATAAS PA NG MGA MAYOR NG QUEZON CITY, CALOOCAN AT GOVERNOR NG BATANGAS PATI MGA ARTISTA MAAWA NAMAN KAYO SA PAMILYA NG MGA MAGSASAKA. ALSO, BAKIT GANITO SA ATIN KAPAG JOURNALIST ANG NAMATAY MAIINGAY ANG MGA TV CHANNEL PERO KAPAG MGA ORDINARYONG TAO KATULAD NG MAGSASAKA WALANG INGAY CGURO NAKIKINABANG SILA SA PAMILYANG AQUINO. ALAM NAMAN NATIN SI LOPEZ MAY ARI NG CHANNEL 2. MULANG NG UMUPO SI CORY BILANG PRESIDENTE NILOKO NA TAYO SA BILLING NG MERALCO, LAHAT NG GASTOS NILA PINASA SA TAO. SI NOYNOY NAMAN GINAGAWANG COMMERCIAL NA YON LUPA NILA SA TARLAC, BALANG ARAW WALA NG MATITIRANG LUPA SA MGA FARMERS, GANYANG KAGULANG YAN SI NOYNOY. HUWAG NATIN IBOTO ANG SANGKOT SA MGA MASSACRE AT WAG DIN NATIN IBOTO YON SUMUPORTA SA KANILA, KASI MAY KASABIHAN BIRDS WITH THE SAME FEATHER FLAKS TOGETHER.

  19. huwag tayong masilaw sa pera…gampanan ang tungkulin nating mamamayan..

  20. iboto natin iyong may hangaring mabigyan ng trabaho yung mga mahihirap.

  21. cnu cnu mga eleksyonist sa 2010 election? :)

  22. HEY! look at the presidentiables. . . Erap- nakasuhan na at nakulong! Villar – nabintangan ng Curruption sa pagmamaniobra ng Double Insertion ng pundo sa isang project,JambY- sino siya?Eddie Villanueva-sino naman eto?ngayon sino sa sa kinila ang pwede sa gsto nating pagbabago, oko. . kay Noynoy na baka indi kurap tulad ng mga magulang, meron pagasa.

  23. WE NEED TO RESEARCH MORE ON OUR PRESIDENTIABLES…. hindi pwedeng kabig lang KAYO ng kabig ng wla nmng basehan….. KILALANIN ntn lhat. Bettr din kung manonood tau ng forum ng mga presidentiables… HUWAG na taung MANIRA.. kung meron kaung BET… pag-aralan mo na lang kung talagang karapatdapat xa sa isang boto mo, hwag mo ng sirain panggalan ng ibang tatakbo… ok……

  24. wala na atang matinong kandidato ngayon. siguro sa ngayon madami silang maipapangako, ngunit kung nasa posisyon na sila.. wala na..

  25. kung ayaw nyo kay noynoy pls lang lalong wag si dicktador gordon yhe richest volunteer in the world! magaling lang yan sa pa pogi di naman pogi. pasalamat sya di nak pag file si VOLTES V kundi yari ang TRANSFORMER hehe

  26. nice blog. also visit the site http://www.patunayanmo.ukay2x.com/

  27. I found a website where i can rate the philippine president and post my comments. The url is http://www.patunayanmo.ukay2x.com

  28. Kung ang hinahanap natin ang taong makapagbabago ng ating bansa..eh sinu kund yung taong may grabeng pagmamahal sa DIYOS at sa BAYAN..sinu pa ba yun EDDIE AKO!!!!!!
    Bro.Eddie C. Villanueva our new President!!!!

  29. para sa ikabubuti ng mga pilipino at ng bayan pipiliin ko ang pinaniniwalaan kong tutugon sa ating pangangailangang moral,politikal, at espiritwal.
    kay BRO. EDIE ako.

  30. hahaha,…totoo b yan??????

  31. bagaman hindi pa ako maaaring maka halal ng mga mamumuno sa ating bansa, nais ko ring iparating ang aking pakikiisa sa mga nagpoprotesta ukol sa halalan 2010. nawa’y maging maayos ang lahat at makibahagi rin sana ang iba pang mga kabataan sa ikauunlad ng ating bayan. God Bless!

  32. sana’y maging maayos ang lahat lalo na ang pakikilahok ng mga kabataang botante sa halalan 2010. God bless!

  33. Yeah! I agree with you there, we really need to vote wisely and I’m just hope for a clean and safe election this 2010.

    -pia-

  34. sa darting na eleksyon ay kailangang magkaroon ng CHAMP o CLEAN,HONEST,ACCURATE,MEANINGFUL,PEACFUL ELECTION..

  35. wag natin i boto si noynoy aquino kc kung hndi dhl sa mga magulang nya sna d sya nsa rank 1 ng mga presidentiables!!!!!iboto ntn c villar dhl sya ang magaahon sa atin sa hirap!!!1

  36. ..you said it right.. tamang kilatisin muna ang mga nais manungkulan sa maliit man o sa mataas na posisyon upang masiguro ang ganap na kabutihan para sa bansa…. di lang sa mga ads o campaigns na walang katotohanan…. puro pahanginan at pangakong laging napapako….

  37. sa mga tatakbo na gustong mamuno sa bansang pilipinas sana nman mging tapat kayo sa mamayang pilipino dahil kayo ang inaasahan naming magpapaunlad ng bansa na i2 , AQ PO AY 1NG BATA NA NAMULAT NA SA MGA NANGYAYARI DIYO SA BANSA, SANA NMAN PO MHLIN NATIN ANG ATING BANSA……

  38. sana talaga yung magiging presidente ayusin naman nya. grabe naman. sobrang hirap na nga nitong bansa na ito magnanakaw pa sila. anu bang sense ng pagnanakaw nila? akala naman nila they’ll be able to get away from their sins, God knows everything. so kung sino man yung tatakbo at mananalo, bahala na si God sa’yo. sana i-touch Nya heart mo.

  39. ..haYyy nku,,ngpa2lit nga tau ng mga pinuno ng ating bansa,pero yun pa rin ang uri ng knilang pama2lakad..kurakot duon.kurakot d2.

  40. Hindi pa ako maari bumoto.pero matagal kong pinag isipan kung sinong kandidato an susuportahan ko. Ang napil koay si Gilbert Teodoro dahil siya ang pinaka matalinong presidentiable.
    Hindi kao pinili si Villar dahil sigurdong babawi siya sa perang nagastos niya sa pangungumpanya.At hindi o pinili si Noynoy dahil sa buong panunungkulan niya bilang senador hindi siya na kapasa ng ni isang batas(ito ang kanyang tungkulin bilang senador)
    Isa pang dahilan kung bakit siya ang aking susuportahan ay siya ang laging nananalo kapag may mga debate.
    pero kung sin man ang susuportahan niyo ang importante lang ay ito ang sarli ninyong desisyon at walang pumilit sa inyo

    SANA MAGING MALINIS ANG HALALAN 2010!!!

  41. I AHON NATIN ANG PILIPINAS!!!
    SA PAMAMAGITAN NG ATING MGA BOTO!!!

  42. malapit na ang halalan , i2 n naman taung mga pilipino, boboto at pipili ng karapat dapat , peo panu ka matatawag na botante kung pati ang iyong boto ay ipinagbibili mo,wag na taung magpaloko,wag na po taung magtangatangahan ,at wag na taung magbulagbulagan alam natin kung anu at kung cnu ang nararapat,kilala mu kung cnu ka,,, alam mu na kaya mung pumili ,,,,,,

  43. sana po maging malinis at matapat ang halalan na magaganap d2 sa pilipinas…..dahil hanap naming mga kabataan ang pag-unlad na bansa,,,bumoto po tau ng maayos at galing sa iyo kung cnu ang iyong iboboto,,,

  44. NAIS BA NATIN NG TUNAY NA PAGBABAGO?.. SINU PA BA ANG GAGALAW SA ATING BANSA EDDIE TAYO!.. SINO PA BA ANG ATING HAHANAPIN, EDDIE ANG MAY TAKOT SA DIYOS NA HANDANG MAGLINGKOD SA BAYAN.. SINO PA BA MAGCICIMULA?.. EDDIE TAYONG MGA KABATAAN NA PAGASA NG BAYAN.. HUWAG TAYONG MAGING BULAG SA KATOTOHANAN SA MEDIA O ADVESTISEMENT NA IPINALALABAS SA T.V. NA KAYA TAYONG IAHON SA HIRAP, NA HANDANG HARAPIN ANG PROBLEMA NG ATING BANSA.. WALANG MAKAKAGAWA NITO, EDDIE TAYO.. ANG MAGBABANDERA NG DIYOS AT BAYAN.. SA BANSANG PILIPINAS..GODBLESS TO ALL..

  45. ang tugon ko lamang sa aking mga kapwa botante ay dapat at nararapat lamang na kilatisin nating mabuti ang lahat ng kandidato. May 10, 2010 ito ang araw na kung saan lahat tayo ay papasya kung sino dapat ang mamuno sa mahal nating bayan. piliin ang karapat-dapat, and may puso, pagmamahal sa kapwa at bayan at may takot sa puong may kapal. sa darating na eleksyon naway maging mitsya ito ng pag-unlad ng ating bayan. ^^

  46. ako po any gumagawa ng pananaliksik tungkol sa eleksyon. ang blog na ito ay malaking tulong sa akin. maraming2x salamat sa inyong mga opinyon. MABUHAY ANG TAYONG MGA PILIPINO!!!

  47. MABUHAY TAYONG MGA PILIPINO!!!
    NASA ATING MGA KAMAY ANG DESISYON NG PAGBABAGO TUNGO SA PAGULAN NANG ATING BAYAN.

  48. in the incoming 2010 election, you and me as an individual WILL MAKE THE DIFFERENCE. VOTE FOR THE RIGHT CANDIDATE.

  49. jjessmedhyts, kung katulad mo lang ang mga boboto, wala talaga mangyayari sa pilinas, manatakin mo nagtanong kung sino si jamby tsaka si bro. eddie, bat kpa boboto kung di mo sila lahat kikilalanin. nsa harap ka na ng pc, nagtanong kapa, may ganyan pala kabobo na boboto.

  50. madaming nagugutom dahil sa mga buwaya sa lipunan..naway mapili nating lahat ang tunay na presidente na mamumuno sa ating bansa….
    lagi na lamang naapi ang mga mahihirap..taon ang inaabot sa kaso nila dahil wala silang panlagay sa mga husgado…pagbigyang tuon at pansin naman niu sana kami..
    salamat sa blog..

  51. di aq naniniwala sa Eddie vilanueva na yan…wla siyang alam sa sinasabi niya…
    kahit nga bibliya di niya maintindihan ng tama eh…

  52. Ako ay napiltang rumehistro sa darating na halalan pero sa aking palagay, wala paring pagbabagong magaganap kung sino man sa kanila ang maluluklok, hanggat ang magiging Lider ay mag papasilaw sa kayamanan ng mga Putang inang hindi naman purong mga pilipinong Negosyante e tayung mahihirap ang lalong hihirap, Pondo sa edukasyon kinukurakot, yang putang inang port barrel na yan, yan ang pinagmumulan ng ka demonyohan, at ang mga ASO sa senado na kailangan mong pakainin para ma protektahan ang lahat ng anumalya na binabalak ng mga iba pang nasa likod nito, Bilyong Bilyong Yaman ng Pilipinas nawawala, Mga Gahamang nag papatupad ng Bansa, ramdam nyu ang Hirap ng ating bansa kahit nasaang estado ka ng buhay, Palakasan sa paghahanap ng Matinong trabaho, dapat hindi ganyan, atin itong bansa dapat hindi ipagdamot ng hinayupak na negosyanteng puro alam e mag pa yaman lang at mang gipit ng tao, At ang hustisya sa totoo lang para lang sa mayayaman, tanggapin na ang katotohanan REBOLUSYON lang ang tanging paraan sa mapang aping tao sa BANSANG ito…

  53. Di na po kailangan magtalo ng mga pilipino kung iboboto po ba natin si bro. Eddie o hindi. Masyado po natin ginagawang kumplikado ang mga bagay-bagay. Bakit di po natin simulan sa simpleng bagay.
    Kung nararamdaman po natin na may puso po tayo, kung nasan man po tayo ngayon ay subukan natin ipikit ang ating mga mata, damhin ang ating puso at tayo mismo ang magtanong sa Diyos kung ano ang dapat. At sa kalagayang ito, mararamdaman nyo sa puso nyo at isipan ang tamang sagot.
    At sa mga magulang, kaya nyo po ba tingnan ng diretso ang inyong mga anak, at sabihing may maganda ka kinabukasan na haharapin? na kahit na mayaman ka man at sagad sa karangyaan, cgurado ka ba na paglabas ng bahay ay ligtas ang iyong anak o kapamilya?
    Mga simpleng bagay, mga simpleng tanong, simpleng pakikipagugnayan sa Diyos ang di natin nasasagawa. Ako po ay isang makasalanan, di po ako pastor, kundi isang simpleng mamayan, magulang ng aking mga anak at sa pagmulat ko po sa katotohanan na di lang po sapat na iboto ko si bro. eddie bilang president at dapat po na may gawin ako, na buksan ko ang aking isipan na walang bagay na basta na lamang natin makakamit, na hindi natin ipaglalaban. Sana po ay kilalanin natin ang ating sarili habang maaga pa, at wag po tayong mawalan ng pagasa sa nakikita natin at nararanasan. Sa ganitong pagkakataon, makaDiyos man po tayo o makasalanan, ipikit po natin ang ating mata, at makipagusap kay Kristo lalong lalo na po sa araw ng 2010 eleksyon.

    Wala pong halaga na makipagsagutan po tayo, at magsalita ng di maganda sa kapwa natin sapagkat sa ating pagkakaisa, tayo din po ang magkakasama sama.

    God bless.

  54. wala naman talagang matinonh kandidato ngayon kung c chiz escudero isa sa mga presidentiables may pag asa pa,, manny villar? naku talagang corrupt yan, lahat ng lupa sa las pinas city kinamkam niya, anong sabi nya, na ”para sa mahihirap” lies! ung mga pinatayo niyang housing sa las pinas mga mayayaman lang ang makikinabang,, milyon ang halaga sinong tangang magbobote ang makakayanan un? libo libo ang upa buwan buwan cnong uupa? hindi ba’t ung mga may kaya? at ung squatter, squatter pa din,,,
    lahat ng presidentiables bano pero isa lang masasabi ko, hindi tayo uunlad kung hindi natin kayang pag aralan ang DISIPLINA. hindi natin makukuha ung talagang gusto nating pag unlad kung sa bawat galaw at ikot isinisisi natin sa isang pulitiko, tignan din natin ung sarili nating pagkukulang.

  55. Eleksyon na mamaya… totooo kaya.? may eleksyon ba? Well the reason for eleksyon is to put a person as our leader, Isn’t it? The problem with us people is if someone we don’t like win, we can not accept. i hope we can change… we want these people to change everything for us. They are not GOD. Ask yourself. What contribution did you make for the last 30 days for your country? None…..? I know all us of made the bold statement that the government done nothing to improve our lives. Ask ourselves, did we do community work to help other people? The people we will elect is our leader, they will not do things for us. They will instruct us what we should do. Then we should act. What action did you make to serve the country? Meron po Ba?

  56. san b mkikita ung mga bumoto sa lungsod ng parañaque?

  57. ERAP PANALO NA!

  58. Sana Ang Election ay maging matagumpay!
    para maihalal ang tunay na babago sa ating bansa.. :)

  59. mga tga cagayan valley, botong binili sa inyo cguradong babawiin sa inyo…black sand mining sa downstream cagayan, tuloy tuloy parin, ngbubulag-bulagan lng ang mga nsa pwesto kc mlki ang suhol sa knila…blang araw lulubog na kayo.

  60. pakyyyyyyyyyyoooooooooooo!!! na.unsa dai mo?? magaling na keu? bihon tayo`~??hahahah enjoy da ride ..

  61. sana ang darating na barangay eleksyon ang siyang maging panuntunan ng lahat ng bagay. dito natin simulan ang pagtatama ng mga mali dahil sa maliit nagsisimula ang malalaking kapalpakan at mga kasamaan. kaya kinakailangang piliin nating mabuti kung sino ang dapat nating iboto.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: