Ang Makabagong Lumad

sumilao.jpg

Makalipas ang mahigit dalawang buwan ng walang kapagurang paglalakad mula pa sa kamindanawan, bitbit ang kanilang pag-asa na mapakikinggan ng mga kinauukulan ang kanilang mga hinaing, nasa Maynila na ang mga Lumad.

Ilang dekada na ang lumipas ng unang angkinin ng iba ang sarili nilang lupain. Mulat mula pa, ipinaglaban na nila ang karapatan sa mga lupang ito ng mapayapa at hindi kailanman ginamitan ng dahas. Kung ang iba’y nawlan na ng pag-asa sa mapayapang pamamaraan at kusa nang nag-armas para sa pakikibaka, sila ay patuloy na umaasa, na sa mapayapang paraan, ang hustisya ay makakamit.

Matapos mabigo sa inaasam na pakikipag-usap sa mga nasa poder ng Palasyo, ang mga Lumad ay hindi uuwing bigo. Dahil sa kanilang angking determinasyon, pinukaw nila ang mga damdamin ng mga Pilipino na umaasa sa pagbabago.

Hindi ang mga rebeldeng sundalo, hindi ang mga bayarang alipores ng mga pulitiko ang magpapaluhod sa mga naghaharing uri kundi sila. Sila na walang ibang agenda kundi hustisya. Sila ang bagong magpapasiklab ng mga damdamin ng taong-bayan na animoy nangagsawa na sa magulong bangayan sa pulitika. Sila ang pupukaw sa bayan upang magkaroon ng bagong pag-asa.

Sila ang mga makabagong Lumad.

Ang may-akda ay nakiki-isa sa kanilang adhikaing mapanumbalik ang kanilang sariling mga lupain na minana pa nila sa kanilang mga ninuno. Para sa mga karagdagang impormasyon bisitahin ang Lakas Sumilaw

~ by BURAOT on December 8, 2007.

4 Responses to “Ang Makabagong Lumad”

  1. kaisa din ako dito ka buraot. salamat sa impormasyong ito at balang araw isusulat ko din to tulad ng request ni ka schumey.

  2. ngek. nasundan mo din ako dito. hehehe. tenkyu sa dalaw.

  3. Salamat, add ko ito sa update ko on the Sumilao march.

  4. salamat din mschumey.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: