Kadre Kadire

Naalala ko na naman tuloy yung pelikula na nag-flop sa takilya. Kadre. Di ko na matandaan kung anong taon yun, nasa Zambales pa kasi ako noon. Ang natatandaan ko lang ay ang mga sumusunod.

 Ito ay kwento ng buhay ni Ruben Torres, umano ay isang dating kadre na myembro ng samahang komunista noong panahon ni Makoy at noon ay naging opisyal ng Kagawaran torresng Paggawa at naging Executive Secretary ni Pangulong Ramos.

Ang pelikulang Kadre ay ginawa sa aking pagkaka-alam upang maging dagdag na exposure para sa kanyang pagtakbo bilang Senador.

Malinaw na maraming pondo ang dumaan kay Ruben Torres nung panahon na yun. Katunayan ang kanyang mga campaign posters na pinakamamahalin sa lahat ng tumakbo nung 1998 elections. Dahil likas naman syang taga-roon, may bonus pang pelikula na walang sawang pinapalabas sa buong Zambales.

Pero katulad ng kanyang pelikula, ang kanyang kandidatura ay flop. Palpak. Bukod kasi sa pangit ang pagkakagawa ng istorya ng buhay nya, naging pangit din ang karanasan ng libu-libong mga umasa sa kanya. At kahit na anong kalat ng santambak na mga colored posters nya at pelikula nya, di pa rin umubra.

Naalala ko tuloy yung minsang interbyu sa kanya kung saan sinabi nya na “sya pala ay isang liberal at hindi isang sosyalista”.

Ang pagiging liberal ba nya ang nagbigay sa kanya ng napakaraming pondo upang maka-takbong senador? 

Ang pagiging liberal din ba nya ang nagbigay sa kanya ng dahilan upang paboran si Quisumbing upang ang ekta-ektaryang lupain nito ay hindi mapasakamay ng mga magsasaka ng Sumilao? Ang liberalismo ba niya ang nagtulak sa kanya na itakwil ang karapatan ng mga magsasakang lumad ng Bukidnon sa ilalim ng batas agraryo?

At patuloy nyang tinatawag ang sarili nyang isang kadre.

Maraming ganyan kaibigan. Aktibista, progresibo. Galit sa establisimyento, galit sa pamahalaan, galit sa gobyerno, galit sa sistema at maling kalakaran. Subukan mong ilagay sila sa pwesto at masahol pa sila sa dating naka-upo. Maiisip mo tuloy… kaya pala.

Kadre….. kadire.

~ by BURAOT on December 16, 2007.

6 Responses to “Kadre Kadire”

  1. teka bakit ako ang tagalo kong nag stay ng zambales e ni hindi ko yata nadinig yang pelikulang yan? ang alam ko ung kare, ung batang me powers na apoy di ba?

  2. ganun katindi pagka-flop. wahahah! tanda ko nun bago mag-eleksyon halos ilang buwan na pinapalabas dun sa Iba at sa Botolan. Eh that time, luma na yun. Lam ko na, si Cesar Montano nagbida. Kaya ayun, najinx, di rin nanalo. Wehehehe

  3. tama si cesar nga ang bida dun, pero i ko din napanood ung movie,

  4. buti na lang. kase masasayang lang pera mo. di maganda.

  5. Merry Christmas din dito hehehehe.

  6. nyek. hapi nu yir na bago ko napansin bati mo dito. lols! hapi nu yir!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: