Where’s Your Spice, Boy?

Bago ang lahat, manigong bagong taon muna sa inyo. Lalo na sa iyo Migz.

Nakalipas na ang pasko at bagong taon, wala pa rin akong narining na balita dito sa ating spice boy.  Nakabalik na’t lahat ang mga lumad sa Bukidnon, di pa rin maapuhap ang kanilang senador.

Nagtataka kasi ako kung bakit sa hinaba-haba ng nilakad nitong mga taga-Sumilao ay wala man lamang tayong narinig mula sa bagong halal na senador ng bansa na “nagkataon” naman na taga-roon din sa Bukidnon.

Nung ipinaramdam ko ang aking obserbasyon sa isang kasamang blogista na si mschumey ng The Philippine Experience, mukha umanong walang balak tulungan itong si highly improbable Sen. Migz Zubiri kundi ang mga taga-Maguindanao. Kung bakit, itanong mo ke Kokoy Pimentel.

Bago ko sana tuluyang isulat ang saloobing ito, ay makuha ko ang kanyang tugon. Pero subalit datapwat…. wala. Sinubukan kong magpadala ng email sa kanyang tanggapan at website hinggil sa isyu, wala pa rin. Marahil naman ay sapat na ang hinintay kong panahon.

Kung ang mga taga-Sumilao, hindi nakakuha ng sagot sa kanya, ako pa kayang isang simpleng blogista lamang?

Ang nakuha ko lang na impormasyon mula sa isang estudyante na sumali sa martsa ng mga Sumilao ay ang dahilang ang ama mismo nitong si H.I. Senator Zubiri ay kakutsaba diumano upang mailipat ang pagmamay-ari ng kwestyonableng lupain mula sa pagmamay-ari ng mga Quisumbing papunta ke Danding.

Kaya ba tahimik kasi guilty?

At sa kagila-gilalas na pagpapakita ng tunay na anyo ng isang tradisyunal na pulitiko, itong si Gov. Zubiri (tatay ng highly improbable) ay kasama pa umano ni Gloria sa Malakanyang nang humarap sa mga magsasakang Sumilao. Nakuha pa nyang yumakap sa mga kawawang magsasaka na hindi lamang maipakita sa publiko ang kanilang nagtutumindig na mga balahibo sa patutsada nitong si Gob.

At nag-inarte pa na bakit umano hindi sa kanya humingi ng tulong ang mga pobre. Pakitang-tao na nga garapal pa. Alam naman nya na alam ng mga magsasaka na sya ay isa sa mga kakutsaba sa kanilang paghihirap.

Mamang senador…. matulungan mo kaya ang buong bayan kung ang mismong kababayan mo ay hindi? Nasan na ang asim mo spiceboy?

Narito po ang official website ni senator. Paki-kulit na din lang dahil ako ay nagsawa na.

~ by BURAOT on January 2, 2008.

2 Responses to “Where’s Your Spice, Boy?”

  1. Busy siguro and senator from Maguindanao sa paghahanap ng alternative fuels. Fuel that he will use for his political ambitions.Puwede din namang busy sa pag-asikaso kay Lintang Bedol.

  2. Busyng busy nga. Kaka-update lang nung website nya eh. Ayaw lang talaga akong sagutin.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: