Halalang Pista ng Bayan

Heto na naman. Taon na naman ng halalan. Katulad ng inaasahan ko, makulay na naman. Parang pista ng buong bayan.

Pagpasok pa lamang ng taong kasalukuyan, nagpapahiwatig na ang mga nagnanais tumakbong pangulo. Andyan si Mar Roxas, Manny Villar, Ping Lacson at Loren Legarda mula sa umano’y oposisyon.  Ipinaimbulog din ang mga pangalan ni Mayor Binay ng Makati at ng bagitong si Sen. Chiz Escudero.

Nagpahiwatig din ang mga nasa poder na sina Sec. Teodoro, Mayor Sonny Belmonte, Bayani Fernando, Dick Gordon at Noli De Castro. Pati si Erap, legal man o hindi, ay nagpahiwatig na din. Kaya naman nang-gagalaiti na akong itampok sila rito. 

Hay, ang halalan sa bayan ko. Babaha na naman ng pera. Maglalabasan na naman ang mga nakatagong balon na panggagalingan ng mga pondo. Mag-iindakan na naman ang publiko sa mga maaalindog na mga campaign songs ng mga trapo. Malilibang na naman tayo sa mga patutsadahan at siraan ng mga lalahok. Magsasayawan at magkakantahan na naman ang mga pamosong artista sa mga entabladong gawa sa kahoy at lumang dram.

At ang mga trapo, kanya-kanya na namang caucus para sa endorso ng kung sino-sino. Marami na naman ang maglilipatan ng partido at magpapalitan ng mga kanya-kanyang pabor.

Bukod sa kanilang mga pagmumukha, kakapal na naman ang kanilang mga palad sa walang patumanggang pakikipag-kamay sa publiko. Na kung hindi naman halalan, ay sigurado akong malabo pa sa sikat ng araw na matingnan nila ang mga tao, makamayan pa kaya.

Mangangawit na naman sila kakangiti at kakakaway sa masa, na kung hindi lang naman eleksyon ay hindi naman nila mabigyan ng karampatang tulong, ngiti pa kaya.

At tayo namang mga nagmamasid at nakikilahok, libang na libang sa ilang buwang libreng palabas. Sinasamantala ang pagkakataong kahit sa maikling panahon, ang mga maykapangyarihan ang syang bumababa sa kanilang mga tronong gawa sa ginto.

Ninanamnam ang bawat sandali, na kahit papaano, gaano man kaikli at kahit na parang wala namang malinaw na pagbabagong dala, lalahok at lalahok pa rin tayo. Dahil ito ay pista ng bayan, lahat ay imbitado.

At kung may makita ka man na  pulitikong tumatawid sa alambre at kumakaain ng apoy, sigurado akong hindi ka naman mabibigla.

~ by BURAOT on January 7, 2008.

4 Responses to “Halalang Pista ng Bayan”

  1. Please check out the Mar Roxas for President in 2010 Blog at http://marroxas2010.blogspot.com

  2. ^_^ ang halalan sana ang tanging paraan mayruon sa konstitusyon para maipakita ang pagkakapantay pantay ng bawat isa… sa halalan sana maipapahayag higit ang lakas ng masa… ang kapangyarihan tanging ito ang may taglay… PERO dinungisan, niyurakan, at winalang silbi na ng marami ang iilan… di lang ng pamahalaan… kahit ng masa mismo… na nagpapabayad, nagpapagamit… sa mga pakbet na trapo!

    wala nang pag-asa ang sistema talaga… sistema na mismo ang palitan!

    pero hindi pa rin naman tayo handa sa pagbabago! ahhh… ang sakit sa ulo isipan ng paraan anong marapat na gawin…

    walang magagawa kundi lumahok sa halalan… bumoto ka o hindi… may mangyayaring halalan… at may uupong trapo… kaya pakbet kahit wala na akong tiwala sa sistema, kailangan ko pa ring bumoto ng maayos, magmatyag at ipaglaban ang boto ko na sa iba ay kinakalakal na lamang ng mamiso…

    (teka teka nagkokomento lang ako bakit mukhang nakikiblog na ako hahahaha…. sige stop muna tol)

  3. wala kang kakupas kupas kevin ray. magkumento ka naman kung bakit tingin mo karapat-dapat si mar roxas. puro PR ginagawa mo eh.

  4. hokey lang yan dyowa ni juan. hmnnn.., me naisip ako ideya. imbitahan kaya kita dito. hokey lang ba sayo? tpos mag imbita din ako ng iba.. ano sa tingin mo. kaso handami mo na ring blog eh. hehehe.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: