Kababuyan ng Edsa

Sa isang banda, pabor din yata ako dito ke Gloria. Kalimutan na    natin ang Edsa.

Kung iniisip mo, kakampi ko na siya ngayon, malabo mangyari iyon. Dahil sigurado ako magkaiba kami ng dahilan.  Bukod sa delikado para sa kanila ang ganitong mga pagtitipon ng maramihan, na maaaring magpasiklab na naman ng mga kung anu-anong pagkilos, nais lamang niyang makalimutan ng publiko ang totoong mga pangyayari ng Edsa Dos.

Mga pangyayaring ngayon ay mas nauunawaan na ng bayan. Na ang katotohanan… ang Edsa Dos ay isang sistematiko at planadong pagkilos ng mga tinaguriang middle class.  Kasama ang mga kakutsaba nilang mga trapo, mga sundalo at maging ang korte, pilit nilang inagaw ang pwesto ng pagka-pangulo.

Ang Edsa Dos ang naging dahilan upang siya ay mailuklok sa pwesto.  At dahil dala dala nila ang multo nito, ito rin ang magiging tulay upang mapababa siya sa pwesto.

Ang aking dahilan, bagamat kakaiba sa kanya.. ay simple lang.

Kahit na makailang ulit tayong lumahok sa mga ganitong pagkilos, kung hindi natin babaguhin ang bulok na sistema ng ating lipunan, at ang atin mismong mga pananaw sa buhay, lagi lamang itong mauuwi sa wala. At ang ating mga pagod at pagpupunyagi ay tuwinang mawawalan ng saysay.

Kung muli’t muli nating bababuyin ang atin mismong saligang batas, para na rin nating binababoy ang ating mga sarili. Kung hindi rin lang magiging ganap ang pagbabago sa bansa, kabaliwan na masasabi kung muli tayong magtitiwala sa Edsa.

~ by BURAOT on January 22, 2008.

12 Responses to “Kababuyan ng Edsa”

  1. grrr grabe talaga siya…

  2. palagi ang pagkilos upang magkaroon ng pagbabago ay magsisimula sa ating sarili.
    maraming taong ningas kugon at iba naman’y talamak na umaasa lamang sa pakinabang.

    awt op tapik
    meron pa pala ibang blog ang buraot?

  3. hi piatots!

    opo toniboy meron pa. at tungkol sa kumento mo, tama ka naman jan. pero sa tinginin ko, kelangan ng two-pronged approach para mabago ang pinas. isa na magmumula sa sarili at isa sa pagbabago sa mga institusyong pulpol. from top to bottom at from the grass roots din katulad ng sinabi mo.

  4. tol, isa lang ba program ng utak natin? yan din ang pananaw ko.

  5. eh paano nga ba magbabago? hindi ba’t ang edsa ay isang paraan upang magbago? sa tuwing naglulunsad tayo ng edsa dahil may siraulong nakaupo sa malacanang, dibat unti-unti ding lumalakas ang mga mamamayan kasama na ang mga pwersa ng pagbabago.

  6. tama naman ang edsa tol, ang problema lang, tuwing mag e edsa tayo, sana sagarin na natin. kasi nagagamit lang tayo. ok na ok naman ang mga pagkilos ng edsa, dahil namumulat ang bayan sa mga isyung dapat na pagtuunan. tingin ko lang, dapat mas agresibo ang mga makabayang pwersa, lalupat sa puntong tapos na ang pagkilos, kasi sa ganitong yugto, umeepal na ang mga trapo, at sila at ang interes nila ang nangingibabaw.

  7. Tumpak na kailangan baguhin ang sistema. May tatlong saligang problema ng Imperyalismo, Burukrata Kapitalismo at Pyudalismo na kailangang bakahin sa lipunang Pilipino. Pero, dapat maging malinaw sa taong bayan na si Gloria Arroyo ay wala nang ginagawang matino para sa bayan. At sa una’t una nung tumakbo siya sa 2004 elections; hanggang ngayon ay di pa rin nasasagot ang mga tanong ng Hello Garci. Sa huli’t huli, Ang mamamayan pa rin ang mapagpasya.

    Serve The People.

  8. amen.😉

  9. nakanaks naman kasamang thomasian, tibak na tibak ang kumento mo ha? heheheh. puro ismo. pero malinaw naman sa mayorya ng taumbayan na palpak na si gloria unapaman, at lalo na ngayon. matindi lang talaga ang hawak nya sa poder.

    di lang ako 100% susog dun sa 3 ismo na sinabi mo. kasi tingin ko, mukhang di na ubra ang pyudalismo na sinasabi mo at ang karamihan ng mga progresiboong maka-kaliwa. me pyudalismo pa ba?

  10. Ang sagot oo naman may pyudalismo pa rin. 1% lang sa buong populasyon ng Pilipinas ang bumubuo sa uring panginoong maylupa at burgesya kumprador (landlord class and Comprador bourgeoise). Kung titingnan mo naman ang uring magsasaka, aabot ito sa 75% ng populasyon dahil agriculture based pa rin ang bansa natin.

    Ang punto lang, may tatlo talagang salot sa lipunang Pilipino na dapat na alisin.

  11. yep. meron pa. pero kung ang batayan ng pyudalism ay ang mayorya ng populasyon na magsasaka at ang pagiging agrikultura ng bansa, tingin ko, medyo saliwang pamantayan na.

    sa tingin ko, ang relasyon ng mga pwersa ng produksyion ang magtatakda nito. ang mga magsasaka ang mga manginong maylupa ay may iba ng relasyon ngayon di gaya ng dati. kung dati ito ay dinadan sa hatian ng produksiyon, karamiha ngayon ito ay relasyong sahuran na. kung kaya ang mga magsasaka ay literal na nagsasaka pero sila ay manggagawa na rin kung tutuusin.

  12. Ah, sa totoo lang kung sahod lang kasi ang usapin sa mga magsasaka tulad ng sinasabi mo, taasan nalang pala ang sahod nila e ok na.

    Pero hindi ganun ang kaso. Madaming magsasaka ang nagsasaka ng lupa na hindi kanila. Pinapaloob pa sila sa mga pyudal na sistema ng pautang etc. Kung kaya natatali ang sumusunod pa na henerasyon sa pagkaalipin sa panginoong maylupa.🙂

    PS: Sorry kung late reply. dami lang po ginagawa.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: