Bangayan ng Trapong Batasan

Habang sinusulat ko ang akdang ito ay patuloy na nagbabangayan ang mga tongressman sa Batasan. Sa huling pagsilip ko sa inquirer websayt at sa mga sites ng mga lokal na telebisyon, bakante na umano ang Speakership.

E ano naman ngayon?

Oo, interesado rin ako. Dahilan kung bakit ko isinusulat ito. Marahil katulad ko rin ang iba, nakikinig lamang at ng mga kaganapan sa kongreso na animoy isang telenovela o isang palabas sa entabladong gawa sa kariton. Naka-ngiting nagmamasid sa mga kaganapan, parang isang pang-masang komedya ng mga nilalang na sa panlabas na anyo ay kagalang-galang pero sa toto naman ay lubhang kagulang-gulang.

Hindi naman kaila sa lahat na ito ay hindi lamang dahil ayaw na diumano ng mga tongressman sa kanilang grand master na si JDV, kundi sa kadahilanang mas mabigat pa doon… ang ZTE broadband deal na nagkakahalaga ng bilyones.

Nakakatawang isipin dahil sila-sila ang nagbabangayan, nagsasaksakan sa likod. Sa unang tingin talaga nakakatawa. Kumbaga, bahala kayong mag away dyan, tutal pare-pareho lang naman kayo. Marahil sa ganung kalaking halaga, kahit sino ay gagawin ang kahit na ano.

Naalala ko tuloy dun sa probinsya namin, kapag me nag-aaway at nagpapatayan, nanonood lang ang mga pulis. Pag tinanong mo yung pulis kung bakit hindi nya inaawat at bagkus ay pinapanood lamang nya ang mga ito, isasagot ng pulis ay.. “Hayaan mo silang magpatayan, nang maubos na mga siraulo dito sa bayan natin..”

Sa isang banda, me katwiran din naman ang mamang pulis. Kaya hayun, kami rin nakikinood na lang sa mga nagpapatayan. Nagpupustahan pa kung sino ang matitirang matibay.

At katulad nung mga siraulo sa aming bayan, dahil nga wala rin namang mapapala ang bayan sa awayan ng mga dakilang trapo sa Batasan, hahayaan na lang natin sila na magka-ubusan.

Pero sa isip-isip ko rin naman, parang me mali… na kahit na natatawa ako sa mga pinapanood ko, parang talo din ako sa bandang huli. Dahil katulad ng bangayan sa kongreso, ang bayan ang pihadong mauuwing talunan.

~ by BURAOT on February 4, 2008.

5 Responses to “Bangayan ng Trapong Batasan”

  1. Nakakasuka talaga ang mga tonggresista. Kung anu-ano pang paliwanag ang ginawa. Kung gusto nila ng tunay na reproma, dapat lahat sila ay alisin.

  2. tama ka tol. lahat sila.

  3. anak sila ng tinapa carry nilang magpuyat para magpatalsik ng liderato pero andaming batas na kailangang aksiyonan naghihintay pa ng sangkaterbang hearing bago maipasa… anak ng tinapa.

  4. anu pa nga ba. me mas malaking dahilan dyan, hindi lang si jdv. me mas malaking binabalak ang mga nakaupo sa malakanyang. to be exact, yung nagpapatakbo sa nakaupo sa malakanyang.

  5. hmmm huhmmm… o-b-yos-li nga. grrr sila!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: