Dangtaon

Tila ba dangtaon na ang lumipas ng huli kong mabisita ang blog na ito. Ni halos di ko na maapuhap pa ang iba pang mga widget. Kahit pa nga me bago na akong site na wordpress din ang nagpapatakbo.

Parang nanibago ako sa mga lengguwahe dito. Kahit pa ako’y pinoy, dahil Tagalog ang salita dito, karamihan sa mga salita ay mas malalim pa sa balon ng ninuno ko.

Matagal na ang lumipas. Hindi dahil sa nawalan na ako ng sigla sa pagsusulat dito. Sadyang naging abala lamang ako sa iba pang mga gawain. Trabaho at personal na isyu. Pati na rin ang patuloy na pagde-develop ng iba ko pang mga blogs.

Hangang ngayon di ko pa rin mai-sakto ang gagawin ko sa site na ito.

Sa kasalukuyan ay may nakabinbin akong proyekto na katulong ang iba pang mga blogista sa ibat ibang sulok ng mundo. At dahil me pagka pulitika din naman ang tema, parang naiisip kong isara na ito ng tuluyan. Bukod pa sa isa kong Ingles na blog na pulitika din naman ang mga punto, naiisip kong ipagsanib na lamang ang tatlo sa iisang pormal na website.

Magpasagayon man, salamat sa ibang mga naligaw sa site na ito. Kahit pa nga ba nilulumot na ang mga pahina dito, naiisipan nyo pa ring dumaan.

~ by BURAOT on October 23, 2008.

2 Responses to “Dangtaon”

  1. Natisod ko lang ang blog mo bro mula sa mga kaututang dila ko sa mybloglog, aba, nagkainteres akong libutin ang mga blogs mo at talaga namang patok ang kwento naihi ako katatawa at habang kinakabagan, tuloy pa din ang braws at eto nauwi ako sa nilulumot mo ng websayt🙂 aba nagka amnesya ka ata ng mga panahong ito at wala ka ng powst haha! pero nakikiisa ako sa mga adhikaing panulat mo, kahit pa nga mjo nagpapahupa pa ako ng init parang naeenganyo na naman akong tumapak sa nag -uumpugang bato🙂

  2. tenkyu PKP. pero di ko na masyado maasikaso tong blog na to. ni masilip nga minsanan na lang.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: