Bayan Ko, Buhay Ko

bayan koMatagal na akong nagbabalak tanggalin ito sa blogosperyo, ang blog na ito.

Hindi. Hindi dahil nilalangaw ito kundi ako mismo, hindi na makabisita dito. Paminsan-minsan, ibinabalik ako dito ng aking keyboard. Dala ng mga kumento ng ibang mga manunulat na naligaw dito. Nakakatuwa, dahil kahit matagal nang walang laman ito, me nakakapansin pa rin sa mga nilalaman nito.

Ginawa ko ang blog na ito, una ay upang pag-aralan ang isang bagong plataporma ng pagsusulat sa blogosperyo. Pangalawa ay upang mailabas ang aking paningin sa aking pinagmulang bayan gamit ang lenggwaheng aking kinamulatan.

Lahat ng bagay ay umuunlad. Mga bagay at kapasidad ng bawat indibidwal. Sa kasalukuyan ay patuloy at regular na ang aking pagpo-post sa isa kong site na ginamitan ko din ng wordpress, ang Anak ni Kulapo.  Ang dalawa ko pang site na syang nagsilbing panimula ko sa pagsusulat sa blogosperyo, ang Literary Ekek at The Antisocial ay buhay pa din.

Dahil hinggil din naman sa pulitika ang tema ng The Antisocial,  naisip kong tuluyan ng isara ang blog na ito.

Naibigay na nito ang una kong adhikain, ang matuto ng wordpress. Ang ikalawang adhikain ko, ang ihinga ang aking saloobin hinggil sa bayan, kahit papano ay naibibigay din ng Antisocial blog. 

Pero sa tuwing mababalik ako sa site na ito, parang binabalikan ko ang dating buhay ko. Buhay ng pakikibaka, buhay ng pagsisilbi sa bayan. Bagamat nasa ibang sulok na ako ng mundo, ang pagkilos para sa pagbabago ay di natatapos. Maraming larangan na kailangang salihan upang maisulong ang pagbabago para sa bayan ko.

Kung kaya sa pinal na pagmumuni muni, mananatili ang site na ito. Dahil katulad ng bayan ko, ito ay parte na ng buhay ko.

~ by BURAOT on December 13, 2008.

2 Responses to “Bayan Ko, Buhay Ko”

  1. Naway maganda ang kahantungan ng 2009 para sa ating lahat. Manigong bagong taon sayo bro.

  2. makapal po tlaga ang mukha ko…… joiners po kasi ako eh…. joiners na kung joiners pro gagamitin ko po ang mga laman nito ah… iilan lang naman po. nakabookmark narin to sa page ko kya wag napo kaung umangal… slamat sa pagbabasa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: