Ang May Akda

Si BURAOT ay isang natural na buraot ng bayan. Libangan niya ang punahin hindi lang ang kanyang sarili kundi pati ang umiiral na maling sistema, mga bagay-bagay na bagamat mali at taliwas sa simpleng pamantayan ng kagandahang-asal ay naging kalakaran na kung kayat bumaon na sa ating kultura at nagmistula nang tama.

Siya ay isa lamang sa milyon-milyong Pilipino na naghahangad na mapabuti ang kalagayan ng kanyang bansang pinagmulan. Siya ay nakiki-isa sa pangarap ng bawat Pilipino. Ang mabuhay ng payak at malaya sa anumang karahasan, sa loob ng isang lipunang maunlad, may hustisya at may pagka-pantay pantay.

Ang makabagong larangan ng internet, bagamat malayong maabot ang daluyang masa na kailangan masapol ng mga progresibong ideya, ay isang larangan na marapat lamang nating pagtuunan ng atensyon. Ang larangang ito ay hitik sa mga intelektwal na kailangan ng bayan sa pagpapa-unlad ng makabagong ideya at sa pagpapayabong ng mga tunggalian.

Naway ang mga argumento at tunggalian ng ideya na ito ay magtuloy-tuloy at magbunga ng mga maaayos na alternatibo upang tuluyan na nating mapaunlad ang bansa.

Sama-sama, pagtulungan nating Ibangon ang Bayan.

Para sa Bayan.

 


3 Responses to “Ang May Akda”

  1. ANG GANDA NG PANG BUBURAOT NIO..
    SANA MAPAG SIGAWAN NINYO YAN SA LAHAT NG MAMBABATAS NG MALAMAN NILA ANG BOSES NG BAYAN.!!

    GUDLUCK AT GOD BLESS PARA SA LAHAT.!

  2. tenkyu danna at naligaw ka.

  3. sana ikaw nalang ang presidente ng pilipinas kasi mukhang alam mo na ang lahat sa pulitika ha?..hehe..more power!!^^

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: